A cabeleira multilingüe

 

Marilette Eusebio | Tagalo

Ang Mga Buhok
(Mga Piraso)

Ako’y sumibol sa luntiang dulo ng sangkalupaan na naglalakbay kasunod ng kawan ng mga baka.
Walang katiyakang ako’y anak ng mga manlalakbay na hihinto lamang sa natagpuang dulo ng daigdig.
Na tila ako’y isang esporang walang ugat at hanging walang lupaing pinagmulan.
Ako’y kaisa ng mga manlalakbay na walang pamayanang naitatag.
Batid ng aming diwa ang malalim at makalupang gunita ng likas na kapaligiran.
Ang aming kasaysayan ay waring yaong mga taong nawalan ng ningning at naglaho sa kawan ng mga baka.
Subalit sa gitna ng pinsala’y aking naapuhap ang talang hilaga na dumadaloy sa buhok ng buwan.
At ang walang hanggang buhok ng buwan ay laberinto kung saan ako’y malayang nakikipag-usap sa aking mahal.

(Isinalin sa Tagalog ni Marilette Eusebio)

 

Lectura de Marilette Eusebio